Tuesday, October 11, 2011

Apologize!

Sa lahat po nang nakabasa dito I am sorry kasi po I've gone through hardship.
Madami lang po akong problems kaya natigailan na akong magsulat para sa Click Like Series.
Pero I re built myself again and start a new post. hindi ko man kayang ibalik ang past ako na ang gagawa ng future ko all by my self!

So the rules are:
Free po mag share ng story through my facebook account, just Message me, (wag sa wall)
then, are you willing to change the name of the character para sa privacy nyo?
and, i will use your story no copyrights I have my right to express myself pero kayo?
you have what it takes para sa story board?

Monday, September 19, 2011

Click Like Series Episode 01 "School boy" pt.2



Hindi ko na alam kung ano na ang nararamdaman ko para kay Rick,
Siguro ito na yung Love na sinasabi pero hindi pwede, ayokong masira ang pagsasamahan namin.
Sa sobrang pagka seryoso ko hindi ko na naisip na nasa parking lot na kami at lalabas na para pumunta sa Mall.

At nang makapasok na kami sa mall parang ewan lang ang mga ginagawa ni Rick tingin dito, tingin dun, Punta dito Punta dun, nakakasawang gawain namin, Pero biglang napatigil si Rick sa isang Anime store at biglang Pumasok sya dun.

"Jay what do you think?" sinukat nya yung bracelet na may logo ng Hokage (Fire Light).

"Uhm, cute pero mukhang pang rakista lang ee."

sabi ko kay Rick habang natingin din ako.

Nakita ko yung damit ng favorite anime ko, isang Shinigami Clothes! Ang daming design na pagpipilian, pero isa lang ang kinuha ko at yun yung Number 10 na shinigami clothes.

"What do you think Rick Bagay ba?" Tanong ko nang nakita ko si Rick na tinitignan ako.

"Uhm, Excuse me may Wig ba kayo at yung Sword nito?" Tanong nya sa Counter.

Nagtataka ako kung ano nanaman ang gagawin nyang kalokohan.
Maya maya pa at dumating na yung sinabi nya sa Counter at pinasuot nya sa akin, nagtataka ako at para bang ang lahat ay nakatingin sa akin.

"Rick ano ba ginawa mo sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakita ko ang seryoso nyang mukha.

"Kung magtitiwala ka sa akin hindi ka madedehado." banat naman nya ng kanyang favorite Pick-up Lines.

Pinalabas nya ako ng entrance ng shop at pinatayo lang muna ng ilang minuto.
May nakakita sa akin at nag pa picture, ako naman oo na lang ang sinagot ko, nakita ko sila Codie may kasamang lalake, actually parang naniniwala na ako sa kwento.
Napansin kong napalingon yung lalake sa akin at parang tinuro yata ako.
Papalapit na sila Codie at ako parang walang nakita.

Biglang napatigil si Codie at tinignan nya ako.
"You look familiar... I've seen you before pero hindi ko lang alam kung saan." sabi sa akin ni Codie na may halong pagtataka.

"Nakita mo na sya Codie, at kilalang kilala mo xa!" Biglang lumabas si Rick sa anime shop.

"O~M~G~! is that JAY?" gulat na wika ni Codie.

"Ang Pogi mo Jay Halatang halata yung pagka Japanese mo." bati ni Codie sa akin.

"Huh? ako hindi nga?" Inosenteng sagot ko lang sa kanya.

"Ay meet pala Andrew, yan ang magiging Producer natin sa Contest." Pakilala nya sa lalaki.

"Nice to meet you! I'm Jay" pakilala ko sa kanya.

Maya maya pa ay nakita ako ng mga classmate kong babae na nakabihis anime.
at nag uunahang mag papicture sa akin, ako naman ay nagulat, pero okay na rin yun, nakita ko si Codie kasama yung Producer namin na nag uusap at nakatingin sa akin, habang si Rick naman ay hindi ko na makita kasi medyo nagkagulo sa shop.
Nang matapos na ang "Photobooth" sa loob ng anime Shop ay napagpasyahan kong bilhin na yung costumes.

"Sir, Magkano tong damit at accesories I'll buy it!" sabi ko sa salesman.

"Sir, okay na po yan, nagbayad na po yung kasama nyo kanina." sabi ng salesman sabay tinuro si Rick, nandun sya sa pwesto ng mga CD at nakikinig ng mga songs.

"Hey, Rick thanks for this, hindi ko ito makakalimutan talaga promise thanks dude!" sabi ko kay Rick habang kunwari ay naghahanap din ng mga CD.

"You're welcome Pards, Bayad ko yan sa pag drive mo On the way here." sagot ni Rick sakin habang may hawak syang CD.

"Bayaran ko naman yan para fair, hindi pwedeng ikaw lang ang gumastos." sabi ko kay Rick sabay kinuha ko yung CD sa kanya.

Pumunta na ako sa Counter at binayaran ko na yung mga CD na kinuha nya, at biglang may napansin ako, sinuot nya yung bracelet na sinabi kong parang rakista, at sya na ang nagbayad dun sa bracelet na yun.
At nakita ko na naghihintay pala sa labas sila Codie at Andrew.

"At san naman kayo magpupuntang mag Bestfriend ha?!" magaslaw na tanong ni Codie sa amin.

"We're hungry so we decided na kumain sa Fast food, want to join?" anyaya ko sa kanila habang si Rick ay tahimik lang.

Kumain kami sa Burger King at dun namin napag usapan ang gagawing preparation para sa nalalapit na competition.
Nakikinig lang kami ni Rick, umorder ng 2 set ng burger kami ni Rick para sa amin at si Codie naman at si Andrew ay Combo meals ang inorder.

"Jay takaw mo talaga no, buti hindi ka nataba, bakit ako ginaya ko routine na sinabi mo nung Elementary tayo Tumataba pa din ako." sabi ni Codie at biglang nagbungisngis ako sa kanya.
"the secret recepie lang naman is PATIENCE." at tumingin ako ng patago kay Rick.
"you're wit pala Jay, by the way dba kapatid mo si Chad? paki bigay naman itong gamit nya, nalimutan nyang kunin kasi yung pinsan nyo dumating nung first subject namin, nalaglag nya to sa kanyang seat." sabi ni Andrew sabay binigay sakin yung Pendant na keychain.
"thanks a lot, burara talaga yun kapatid ko." sabi ko sa kanya.

Tinapos na namin ang pagkain namin, habang niyaya ko na si Rick na umuwi kasi pagod ako, sila Codie naman ay gagala pa.
Nang dumating na kami sa parking lot tinanong ako ni Rick.
"So uhm, do you mind if I will treat you?" tanong nito sa akin.
"what do you mean?" sagot ko na nagtataka.
"nothing, don't mind it!" bawi ni Rick sabay pasok sa driver's seat.
"ikaw na ang mag hahandle ng steering wheel?" tanong ko sa kanya.
tumango na lang ito at sumakay na ako.
"Rick may iniisip ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala Jay!" sabi lang nya sakin.

Umalis na kami sa Mall at hinatid nya ako sa amin, pagdating pa lang sa entrance tinanong na sya, kaya nagpakita ako sa Guard,
pumasok na kami at dumating na kami sa bahay namin,
Tinawagan ko yung phone number namin at sinagot ni Chad, inutusan kong buksan yung gate at dito mag stay ng overnight si Rick.

"Saan ka ba pumunta kuya? si Ate mitch umuwi na sa kanila." sabi sakin ni Chad.

"Ikaw Rich Anderson! bakit mo nawala yung keychain na ginawa ko para sayo?!" banat ko naman sa kanya, habang nagbago ang mukha ni Chad.

"eh kuya kasi, sisihin mo si ate mitch kasi kung hindi nya ako pinahiya sa loob ng room, hindi ako magagalit at magtatampo sa mga kaibigan ko." sumbong sakin ni Chad.

"buti na lang na nakita ko sila Codie at yung magiging Producer namin si Andrew at binigay sakin ito!" wika ko sa kanya biglang niyakap nya ako at nagpasalamat ng madaming beses.

"pagod na kami, bumili ako ng costume para sa Cosplay!" sabi ko kay Chad habang kinuha na nya yung mga dala ko at inakyat sa kwarto ko.

"Jay kumain na ba kayo?" wika ni ate Andeng.
"sa taas na lang po kami dalhan ng miryenda kumain na po kami sa labas eh, nilibre ako ni Rick."

Sabi ko kay ate andeng.

Umakyat na kami ni Rick sa room ko, at umupo si Rick sa may harapan ng Desktop ko.
Makikita mo ang reaksyon ni Rick nung makita nya ang Room ko, humanga sa concept ng room ko.

"Sino ang nag design ng room mo?" tanong nya sa akin habang nakaupo sa office chair.

"Ako ang nag draw, pero si mama nag hire ng interior designer para mas umangat yung design ko" sabi nya ditto habang nagpapalit ng damit.


Sa sandaling katahimikan, ay napansin ko si Rick na may tinitignan at parang natatawa sya. Hindi ko na lang pinapansin sya dahil pagod na ang katawan ko, hinihila na ako ng higaan.
“Rick matutulog na muna ako ha!” sabi ko kay Rick habang naka harap sa computer ko. “Sige natulog ka muna mamaya pa naman ako aalis eh.” Sabi nya sa akin sabay type sa computer.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako! Pag mulat ng aking mata nakita ko sya na katabi ko! Hindi na lang muna ako kumilos dahil baka maistorbo ko pa ang pag tulog nya. Pinag masdan ko lang ang kanyang mukha, dahan dahan akong tumayo at lumabas para kumuha ng maiinom, pagbaba ko sa hagdan nakita ko si ate andeng nag aayos na ng table at napansin nya ang pagbaba ko.
“Bata anong oras na at parang napagod ka ata ha?” sabi sa akin ni ate andeng habang pinupunasan nya ang mga plato.
“Ate 11pm pa lang naman ah! I just take a nap kasi nakakapagod yung pagpunta naming ni Rick sa mall” sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang aking buhok.
Binuksan ko ang Refrigerator at kinuha yung juice, habang nainom ako naramdaman kong bumaba din si Rick at napansin nya yung itsura ko.
“Jay mahangin ba sa kwarto mo? Ang gulo gulo ng buhok mo! Haha..” sabi nya at umupo sa may kitchen.
“Rick tigilan mo nga ako! Pati ba buhok ko papansinin mo? Tungek ka no!” natatawang banat k okay Rick habang magkatabi kami sa kitchen.
“Jay ilagay mo na lang yung mga pinag gamitan mo dyan ha! Matutulog na ako!” sabi ni ate at sabay na pumasok sa kwarto nya.
Sa mga oras na yun kami lang ni Rick ang natira sa kitchen, nakaramdam ako ng katahimikan at parang may kung anong bagay na bigla akong napatanong kay Rick.
“Sabihin mo nga Rick, ilan na nagiging Girlfriend mo?” tanong ko sa kanya habang kumakain ng tinapay.
“Isa pa lang si Elisa lang” sabi nya sakin na may halong pagtataka.
“Kayo pa din ni Elisa right?” nagulat ako sa nagging reaksyon ni Rick at biglang hinarap nya ang kanyang mukha.
“We’re fine pero, I think our relation doesn’t working out!” sabi nya.
“Uhm, okay I’ll never talk about your status kasi It’s your life naman eh” sabi ko na lang at bumalik kami sa mga ginagawa namin.
Nakain ako ng tinapay tapos sya naman nainom ng chocolate, nung mga oras nay un napansin kong hindi pala xa lagging makulit, kasi ngayon lang naman ako nagpa stay ng classmate ko ng overnight, almost kapag may group reports lang naman ako nagpapapunta sa house.
Sabay na kaming umakyat sa kwarto at nang pumasok na kami, nakita kong humiga lang ito at pinikit lang nya yung kanyang mata habang ako naman ay abala sa computer, binuksan ko ang aking Social networking site, tapos nakita kong medyo marami na din naka store sa inbox ko, inuna ko yung mga importanteng message bago sa mga kamustahan with my fellow friends sa ibang bansa, nabasa ko yung email ni Papa.
Subject: My Son Jay
Jay,
I would like to say that your mother and I misses you and Ric, I hope your class ended soon and visit us here.
Because sofu and sobo san will make an announcement and they need all of us.
Your mother will be here next month she will staying here.
I miss you and Ric!
P.S. Your allowance for the next month is in your card.
And tell me when you and Ric will end your class okay!


Love,
Daddy


…………

Tuesday, September 6, 2011

Click Like series Episode 01 "School Boy" Part 1





Epilogue:

Jay a simple guy but there’s something wrong he feels awkward and curious to his personality.
Did the newly known guy is the problem of what he feels? or his Friend that he keeps on loving as his brother, but the truth is his friend have feelings for him.
What will happen to him?Who will he choose?Will he get happy?

This is the story:
Ako si Jay, 21 years old, BS Management student sa isang Business School, Chinito Eyes, Small Pointed Nose that fits my face, nasa 5'7 ang height, Moody, sabi nila na Boy-Next-Door ang itchura ko over all, pero hindi ko na lang pinapansin ang mga ganung non-sense, I have three friends, sila Ricky, Irish, and Jake, sila lang ang kilala ko kahit graduating na ako, Pero merong pangyayaring nagpabago sa lahat.

...

First day of schooling after we get our Christmas and New Year Break, medyo nakakatamad ang feeling kasi hindi ko pa kayang bumangon sa aking higaan, nakayakap ako sa aking unan na niregalo ng pinsan ko, at yung sleep wear na binigay ng kapatid ko.

"JAY Bangon na!, baka ma late kayo sa pag eskwela mo"
Gising sa akin ni Ate Andeng, ang aming all around nanny, mahal ko si ate kasi sya lang ang kinakausap ko kahit saang bagay.

"Ate Andeng si Chander?"
Tanong ko kay Ate habang nilalabas na nya ang mga gamit ko sa aking closet.

"Ay, Ayun! Nilabas muna si Raz (Aso namin) ang ingay kasi kanina pa."
Sagot ni Ate habang ako naman ay nakaupo pa din sa aking kama.

"Abay! magpunta ka na sa kasilyas, at masamang naghihintay ang pagkain!"
Nakasimangot na wika ni Ate sa akin.

"Opo! Heto na! Ate, wala bang naghanap sa amin?"
Nakangiting sagot ko kay Ate Andeng at Umiling lang sya!

Si ate na ang nagpalaki sa amin, nang mamatay si daddy, at si mama ang humawak sa Company, kaya ganyan namin sya kamahal si ate, minsan pinapunta ko ang mga anak nya dito para makasama ni Ate nung Pasko, Kami naman ay pumunta sa Singapore para dalawin si mama at dun na muna kami nag stay at lagi kong kinakamusta si Ate at kung may naghahanap sa akin sa bahay.

"Jay, ano yung susuotin mong panloob? Shirt ba o Sando?"
Tanong ni Ate sa akin, tinuro ko na lang habang papasok na ako sa CR.
Kakalabas ko lang ng CR at may nakita akong regalo sa may ibabaw ng aking Desktop.
Agad kong kinuha yun, walang pangalan ito at tinanong ko si Ate Andeng.

"Ay, nakalimutan ko, pinabibigay nga pala ni Ricky yan! tapos yung nasa salang Malaki kay Irish at Jake."
Nagtataka akong Kinuha yung regalo at tinabi muna sa closet ko.
Nagbihis na ako at sabay bumaba, si Ate naman ay tumawag na sa kapatid ko na nasa backyard lang para kumain, at nakita ng kapatid ko na malalim ang aking iniisip.

"Bro, anong iniisip mo? sasabay ako sa'yo pag pasok."
Tanong nya habang pawisan ang katawan nya.

"wala lang! Maligo ka na nga at Pawisan ang at madumi na yang damit mo! kala ko ba ay sasabay ka sa akin?"
Sabay alis nito at tumakbo pataas.
habang ako ay umalis muna sa dining area at pumunta muna sa may sala, nakita ko yung malaking regalo nila Jake at Irish, kinuha ko to at napansin kong hindi ginalaw ni Ate yung mga binili naming regalo sa pamilya niya.

"Ate Andeng, bakit po hindi kinuha ng mga anak mo yung mga regalo dito? sa inyo yan lahat, kami ni Chad ang bumili nyan!"
sabi ko habang nalapit si Ate sa akin na nagpupunas ng kamay sa towel.

"Ano ka ba Jay, sobra sobra na ang binibigay nyo sa amin!"
Sagot ni Ate habang pinuntahan nya yung Christmas Tree, Nakita ni Ate na Pinagmamasdan ko yung bigay nila Irish at Jake sa akin, at bigla kong naalala na hindi pala ako nakabili ng gifts para sa kanilang tatlo.

"Jay kakain ka na ba?"
Tanong sa akin ni ate habang kinuha na nya yung mga regalo.

"Sige po, Oh~! Bakit?? Ate saan mo ilalagay yan?"
Sabi ko kay Ate habang Tinulungan na syang mag buhat ng mga regalo.

"May sasabihin ako sa'yo Jay mas magandang itago mo muna ito at ibigay na lang sa ampunan, marami ka pang mapapasayang tao dun."
Nakangiting wika ni Ate.

Matapos na ilagay ang mga iyon sa closet ko, binaba ko na din yung polo at mga gamit ko pamasok, si Chad ay nasa baba na din naka bihis pamasok na at kumain na kami ng sabay ni Chad.
Umalis kami sa bahay ng bandang 11am at hinatid kami sa labas lang ng gate ng village, sumakay kami ng taxi at bumaba sa terminal ng jeep papuntang school namin ni Chad, napansin ni Chad na hindi ako naimik simula kanina pa, kaya kinalabit ako at kinausap ako, alam kong maiinis sya kapag hindi ko sya kinausap.

"Chad san ka pupunta nyan? eh alam kong 2pm pa class mo, ako okay lang sa akin na maghintay kasi 2 subjects lang naman ang papasukan ko at may tatambayan ako, ikaw sino nanaman ang kasama mo? baka umuwi ka nanaman sa bahay na madumi ang damit nako mapapagalitan ka nanaman ni Ate Andeng nyan."
Sunod sunod kong tanong para hindi na mainis si Chad, at ngumiti lang ito at sinabing,

"Kuya, kahit kailan sirang plaka ka pa din, Imba ka nanaman, nag text si mama sa akin kagabi, meron daw ipapakilala sya sa akin pinapunta nya sa school magkikita kami ng alas dose."
sabi ni Chad na nakita ko nanaman ang pagka pilyo nito.

Madalas kaming pagkamalang kambal sa school lalo na sa administration building, dahil halos konti lang ang pinag kaiba namin ni Chad, sa Ugali pa lang makikilala mo na kami, ako yung tipong Wall Flower sa grupo, si Chad naman Hindi, Maingay si Chad pag nasa Room xa, ako Hindi, Pilyo ako kapag kasama ko lang ang mga kaibigan ko si Chad Hindi.
Pero iisa lang ang Ugali namin na masasabing kambal kami, Parehas kaming masipag mag aral, laging tambay sa Library, at Natutulog sa canteen.

"Chad Mauna ka nang bumaba, susunod ako."
Utos ko kay Chad at tumawag sya sa driver na ipahinto ang jeep.
Agad kaming bumaba at nakita ko yung mga kaibigan namin ni Chad (mga High School Friends namin)
na may hinihintay ata sa labas, pinuntahan namin to at nagulat sa amin.

"Anong Department nyo? Parehas ba kayo ng Course?"
Mga kadalasang tanong sa amin ng tropa.

"Hindi ah, si Kuya nasa Management ako Business Administration."
Sagot ni Chad habang naka akbay sa balikat ko.

"Ikaw san ka napasok?! kami Dito napasok eh."
Tanong ko sa tropa namin sabay turo yung gate.

"Dyan kayo? Nice! Andyan din Pinsan ko! Kaparehas mo ng course Chad, sya nga pala may Reunion yung batch natin! text ko na lang kayo kung saan ang venue, sige baka ma late pa ako sa next class namin"
Agad na umalis yung tropa namin ni Chad at kami naman ay inayos ang ID namin, pagdating pa lang namin sa gate kala mong may nakakitang Artista ang mga kababaihan dun, pinag titinginan kaming dalawa ni Chad, at lumabas nanaman ang kapilyohan ni Chad.

"Hi miss can I get your number?"
Tanong ni Chad sa isang babae dun sa bench.
At binigay naman ni babae ang number nya (pakipot pa sa kapatid ko??!! nakakaloka na to!!)
Biglang may napansin akong may dumaan na familiar ang itsura.
Agad kong tinawag si Chad at umalis na sa may bench.

"Oh~ pano ba yan dito na ako, san ka na?"
sabi ko kay Chad habang hinahanap ko yung mga kaibigan ko.

"Sige, baka mauna ako sa bahay mamaya ah, sasama ko yung pinakilala ni mama."
Kilig na banat nito sa akin at naglakad na sya palayo habang hinahabol sa tingin sya ng mga kababaihan at ang mga kasapi sa ikatlong Mundo.

Hindi alam ni Chad at ng mga kaibigan ko na Kasapi ako sa Ikatlong mundo, Tama ang narinig nyo, isa akong "MUJER!" pero hindi ko nararamdaman yun kahit na  sinabi ko yun sa harapan ni mama na kami lang dalawa, at ni Ate Andeng nung Malasing ako nung bininyagan ang Anak nyang bunso at ginawa nya akong ninong.
Ramdam ko naman sa paligid ay tinitignan pa din ako ng mga kababaihan at ang mga Mujer kong mga kapatid, kaso hindi ako yung ganung ka open na tao kaya hindi ako nahahalata.
Pumunta muna ako sa Locker ko para ipasok ang mga hindi namang kailangan na gamit nang biglang may tumapik sa likod ko at nakita ko yung Leader naming si Codie.

"Jay Here's your script para sa competition na gaganapin sa last week ng February."
Banggit nya sa akin habang kinukuha nya sa bag nya yung script.

"Bakit kasali ako? diba sabi kong sa back stage ako gagawa, napag usapan na to ah, ang dugas naman!"
Asar kong sagot sa kanya, pero sya parang walang narinig na nagsasalita sa harapan nya.
Magaling na Leader namin yan kaya dyan ako nakapit kapag mag groupings talaga.

"Jay kahit naman ako eh, napasali na sa kalokohan natin, ang motif na natin ay movie na ang gagawin hindi na stageplay kaya napag isipan ng ibang kasali ay ikaw ilagay sa lead role kasi ang built ng katawan mo pang Playboy, mukha mong pang Candy Magazine, at ugali mong----"
Putol ko sabay kinuha na ang script.

"Codie alam mo namang kabado ako kapag ganito!"
Kinakausap ko sya habang sinarado ko na ang locker ko at naglakad na papuntang Canteen.
"Sige lang kung kailangang gastusan ka gagawin namin para maging comfortable ka sa set natin, at kilala mo naman kung sino sino ang kasali eh." Paliwanag no Codie sa akin.

Magka classmate kami ni Codie nung Elementary pa, pero hindi nya talaga close si Chad kahit anong gawin namin, tawag nga namin sa dalawa kapag sila ang nag papartner sa isang program ay magnet.
May naririnig ako na si Codie ay isang bisexual, pero hindi ko iniisip yun sa kanya kasi kaibigan ko sya since Elementary pa.

"Codie walang ganyanan, I will trust you in this part kasi alam mo naman ako ang mahiyain, hindi naman ako si Chad." Paliwanag ko kay Codie habang hinahanap ang mga kaibigan ko.
"Ay sus! yun lang pala eh teka lang ha?! hanapin mo muna yung mga bestfriend mo ako may papakilala sa iyo." Sagot ni Codie na full of Confident, nakita ko si Codie na lumalayo at masayang masaya, siguro ang iniisip nun ay napasagot ko na din si Jay para sa Role na yun.

Maya maya pa ay narinig kong may tumawag sa akin at lumingon ako, nakita ko na din sila...

"Good Afternoon Ricky, Irish, Jacob!" bati ko sa kanya habang nakangiti, napansin kong may mali kay Ricky.
"Rick dude!, Are you alright?" sabi ko sa kanya habang uupo na ako katabi sya at wala akong narinig na salita kungdi umiling na lang sya.
"Fafa jay, wag mo munang kausapin sya may tinatawid lang yan!" biro ni Irish sa akin.
"Pards nakuha mo ba yung gift? binigay namin kay Ate Andeng, sabi nya kasi pumunta kayo ni Chad sa Singapore dinalaw nyo si tita." sabi ni Jake habang nakatingin xa sa akin.
"Yep nakuha ko, kaso hindi ko pa binubuksan kasi special yun!" Sagot ko sa kanila habang hinihimas ang likod ni Ricky.
"Hindi no! si Rick hindi naman nagbigay ng Pang share eh, so kami lang yun ni Jake." Banat ni Irish na parang inaasar si Ricky.
Tumawa na lang ako at si Rick ay nakita ko na yung mukha nya sa haba ng pag tungo nya.
"Ayan na ang kuripot oh~!" Biro ni Irish kay Rick, wala pa ding reaksyon si Rick kungdi yun pa din, tumawa.

Lumingon si Rick papunta sa akin at bumati sa akin.
"Ano nanamang Drama yan Rick?" Tanong ni Irish sa kanya.
"Masama bang Tumungo??!" sagot nya kay Irish.
"Kala ko naman kung ano na malaking problema mo!" sabay sagot ko kay Rick
"Mapag Patol ka pala eh!! PATOLA ka JAY!" lakas ng tawa ni Rick na napasabay sila Irish at Jake, nabatukan ko tuloy si Rick.
"Ouch!!" Sagot nito habang hawak nya ang kanyang batok.
"Ganyanan pala ahh" banat ko naman na may halong pagtatampo.
"SORRY NA AHH!!" bati nilang Tatlo sa akin.
"sige pinapatawad ko na kayo, kaso sa isang kondisyon, bili nyo akong snack." pilyo kong sagot sa pag so-sorry nilang tatlo.
bumili si Rick ng Snacks naming apat at habang kumakain kami may naramdaman akong may tao sa likod ko, pag lingon ko nagulat ako!
Si Mitch Pinsan ko na galing sa School for Culinary Arts.

"Good Afternoon JAYSONNNN!!!" Sigaw nito na kala mong hindi kayo nagkita nung reunion.
"Michelle???! Bakit nandito ka? kala ko ba serious ka na maging Chef? Bakit nandito ka sa school namin? at naka Uniform ka parehas namin, it means na dito ka talaga??! why??" Sarcastic kong sabi sa Pinsan ko.
"Isa isa lang Mahina kalaban, si auntie ang tanungin mo dito hindi ako magsasalita para sa ganyang bagay." Sagot lang nya sa akin habang paikot ikot ang tingin.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si mama, at ayun naliwanagan ako, sya pala yung magiging guardian ni Chad, kasi nakita ni mama na medyo bumaba ang grades ni Chad kaya pinabantayan nya ito.
Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni mama sa akin na ganun ang mangyayari.
Pinaupo ko si Mitch at pinakilala ang mga kaibigan ko.

"Mitch si Ricky, Irish, at Jacob" pakilala ko sa kanila.
"Jake na lang tawag mo sa akin" pahabol ni Jake.
"Nice to meet you all, Makulit ba itong Pinsan ko dito?" Biro ni Mitch sa mga kaibigan ko.
"Hindi naman, mabait yan.... Pag Tulog! At Patola Pa!" Mga pilyong sagot nila.
"Patola?" tanong ni Mitch
"Mapag Patol" Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang si Mitch nang biglang sa nag Ring na ng 1pm.

"Pinsan sige, gugulatin ko si Richard sa Pagpasok ko sa room nya" Pilyang paalam ni Mitch sabay naisipan naming mag punta sa Locker para ayusin ang gamit nila.
"Puntahan natin si Mitch tignan natin kung anong Reaksyon ni Chad!" sabi ni Irish na nagmamadaling kumilos para makita ang kanyang crush, ang aking kapatid.
"Heto naman parang Cactus ang daming tusok sa katawan." Biro ko kay Irish habang nakasandal sa locker ko.

Umakyat kami sa room ni Chad at napasilip lang, tapos dun kami sa may Bench at maya maya nakita na namin si Mitch na Pumasok, sinadya nyang magpalate para may dramatic scene, yan ang trip nya.
Ilang saglit lang at narinig na naming nagtatawanan ang class nila Chad kaya pinuntahan ni Irish at Jake kung ano na ang nangyari, Si Rick naman at ako ay nasa isang upuan medyo malayo sa classroom nila Chad kung saan nandun sila Irish at Jake.

"Nakuha mo ba yung gift ko sayo" mahinang sinabi ni Rick sa akin sabay napatingin ako sa kanya at sya naman ay napa sipol na lang
"Ano? Anong gift na sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"ah wala kalimutan mo na yun" pabirong sagot nya sa akin.
"anong itsura nung balot kasi may gift dun na walang pangalan, yung bigay nila jake at Irish, tapos yung bili namin ni Chad para kay Ate Andeng, Alin dun?" tanong ko sa kanya.
wala nanaman sinagot si Rick.

Tinititigan ko ang kanyang mukha, at napansin kong makinis ang kanyang mukha, kulay porcelana, maliit pero matangos ang ilong nya, manipis na mapulang labi, walang bigote, bigla akong kinabahan at napatingin sya sa akin.
"Jay ano yang nasa labi mo?" tanong nya sa akin na seryoso ang tono.
"Saan Rick?" sagot ko.
"Ayan oh~!" Biglang lumapit sya sa akin at nagulat na lang ako ng biglang Hinalikan nya ako.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon pero isa lang ang natandaan ko, malambot ang kanyang mga labi, parang kumain ako ng ilang jelly bears sa sobrang lambot, nakita kong tumabi sa akin sya at hinawakan nya ang kamay ko, wala akong alam sa mga pinag gagawa nya.
Hinawakan nya ang kamay ko sabay pinatong nya ang kanyang ulo sa balikat ko.
Nakita ko na sila Irish na papunta na sa inuupuan namin na masayang masaya, pati din si Jake.
Hindi nagpahalata si Rick at tinanggal nya ang kanyang kamay sa akin.

"Huy Rick! Nakatulog ka na! sa balikat pa ni Jay ahh lakas talaga!" natatawang banat ni Jake.
"Teka at Ma picturan kayo! hahaha!" Banat naman ni Irish

Hindi ako talaga makapag salita kasi nadadala pa din ako sa pakiramdam na ginawa ni Rick sa akin, yun pa naman ang first Kiss ko, si Rick bumalik na yung pagiging makulit nanaman nya, ako wala pa din ako sa realidad.

"Jay pasok ka na may class ka na 1:45 na!" gulat sa'kin ni Jake.
"Sige mauna na muna ako sa inyo, Cubicle muna ako, see ya mamaya!" sabi ko sa kanila habang naglalakad ako.

Pagpasok ko sa Boys CR hindi ko pa din talaga maalis sa isipan yung ginawa ni Rick sa akin.
Naghuhugas na ako sa may sink at inaayos ko na ang aking itchuran nang may pumasok sa CR, nagulat ako na may yumakap sa akin at pagtingin ko si Rick pala yun!
Tinanggal ko yung braso nya pero hinigpitan nya yung pagkakayakap sa akin.

"Jay I think I am falling for you!" Sabi ni Rick sabay hinarap nya ako at hinalikan ulit.
Naramdaman ko nanaman ang kanyang malambot na labi, hindi ako marunong humalik kaya hinayaan ko sya na gumawa.
Tinigil nya yun at napatingin sya sa akin, ang kanyang maamong mukha, matikas na pangangatawan, at ang kanyang mabasa basang labi.

"Rick why'd you kiss me and hug me, then you told me I Love You? are you crazy?"
Tanong ko sa kanya, biglang nagulat ako sa sinabi nya.
"Jay I Love You! it's not because..sikat ka!, it's not because..gwapo ka! it's because..I feel comfortable kasama ka!"
Tinignan ko sya at nakita kong seryoso ang mukha nya.
"Sa tingin mo, halikan kita out of nowhere, tapos sasabihin ko sayo sa private area na mahal kita, would you think na makakasagot ako sa'yo?!"
Naaasar kong sagot sa kanya.
"Rick I need time muna okay, pero sana Friends pa din tayo, I got to go na!."
dagdag ko pa sa kanya.

Pumunta na ako sa room ko, umupo, natutulala sa mga minuto na lumilipas.
Nag ring na ang bell, at nag text sa akin si Irish.

To: <BF.JAY>
From:<BF.IRISH>
"Jay kasama ko si Jake umalis kami ngayon, baka nandun na si Rick paki samahan naman, malungkot yung tao, tumawag kasi yung mama ni Jake kaya napa alis kami ng di oras, babawi na lang kami ni Jake. (O-o) smile kayo! -Mhalai-"

Napaisip na lang ako, baka set up yan, kasi kanina pa sila magkasama nila Irish.
Pumunta ako sa Canteen,nakita ko sya, biglang tumayo sya.
"Samahan mo ako, promise wala akong gagawin sayo!" sabi nya sa akin.
"Huh?! anong pinag sasabi mo Rick, ang Drama mo dude!" sabi ko naman sa kanya at ngumiti ako.

Umalis kami, pumunta kami sa bahay nila, mas maganda pa pala bahay nila kaysa sa amin,
pag pasok ko ng bahay nila bumati ako sa mga magulang nya.
Tapos pinaupo nya ako sa sala at dun kami nag miryenda.
Pagkatapos naming mag miryenda ay umakyat na kami sa kwarto nya at dun nakita ko mas maganda ang kwarto ko kaysa sa kanya, pero hindi ko naman sinabi yun sa kanya, mas madami lang syang gadget sa kanyang kwarto.

"Jay teka lang ha! I will take a shower muna then off to the mall tayo!"
Masiglang sabi ni Rick sa akin at tumango na lang ako.
Medyo inaantok ako kasi nabitin ang tulog ko sa bahay, kaya pagkahiga sa kama ni Rick, nakatulog na pala ako ng di ko namamalayan.
May naramdaman na lang ako na may tumabi at niyakap ako, hindi na lang ako kumibo, at umikot ako paharap sa kanya na ikinagulat din nya.

"Oh~ ang sarap ng tulog ko, anong oras na?" tanong ko kay Rick habang tinitignan nya ang kanyang relo.
"4:30 pm" sagot lang nya.

Biglang Tumayo si Rick, nakita kong naka walking short lang sya at ang sexy ng katawan nya, hindi ko tuloy mapigilan na mapatingin at matulala sa kanyang magandang katawan.
Napansin ni Rick na tinitignan ko sya.

"Bakit ayaw pa kasi akong sagutin eh, para hindi na lang patingin tingin sa katawan ko!"
Pilyo nyang nilalapit ang kanyang mukha habang kinakausap nya ako.
"ULOL!! dami mong alam hahaha" sagot ko lang sa kanya.

Kinabahan ulit ako, bigla ko sya hinampas ng unan at tumawa ng tumawa.
Bumukas ang pintuan at nakita ko ang mama at papa nya.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah!" bati ng mama ni Rick
"Honey, aalis kami ng papa mo, baka next week na kami makakauwi wag kang magpapaka boss ha?!" bilin ng mama nya at napatingin sa akin.
"Jay Hijo, paki batukan yang kaibigan mo kapag nagiging pasaway ha?!" bilin naman sa akin ng mama nito.
"Opo Tita I will!" Sagot ko naman, at sumara na ang pintuan, nagpatuloy ulit na mangulit si Rick sa akin.

Kinabahan ulit ako, nang yakapin ni Rick ako, tumawa ng tumawa sya!
"Bakit ka natawa?" inosenteng tanong ko sa kanya.
"mahal mo nga ako, ayaw mo lang sabihin." sabi nya habang nakayakap ito sa akin.
"pano mo naman nasabi yun?" sagot ko sa kanya, pinilit kong kumawala sa yakap nya.
at parang mga bata naghabulan sa kwarto nya.
natigil si Rick at nagcollapse!
"Ricky ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.
Pinalapit nya ako at biglang hinalikan nya ako! Hinawakan nya ako sa aking batok para hindi ako makawala.
"Sabi ko na nga eh, mahal mo ako!" sabay ngumiti lang sya sa akin.
"ULOL ka Rick para kang Tungek!" natatawa kong sabi sa kanya habang nakapatong sa katawan nya.
nagtawanan kami at tumayo na kami, nagbihis si Rick at nagpaalam xa sa kanilang kasambahay.

Ginamit ni Rick ang kotse nya, ngayon ko lang nakita yun at kahit sa dalawa hindi pa din nakikita yun.
"nice Rick! mayaman ka nga!" pabiro kong sabi kay Rick at napatawa na lang sya.

"ikaw mag drive Jay, hindi pa ako marunong eh." Sabi ni Rick na nagpapacute sa akin.

"tumigil ka nga at ikaw na mag drive magasgasan ko pa yang bagong car mo eh!"
tawa ko sabay lapit sa akin at tinignan nya ako, hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya, baka halikan nanaman nya ako nakaka ilan na sya sa akin.

"sige na nga ako na ang driver, bakit kasi hindi ka pa magpaturo magdrive eh"
inis kong sabi sa kanya.
habang nasa sasakyan, lagi syang hingi ng hingi ng sorry sa akin.

"isa pa at titigil na akong magdrive, okay na nga heto na na andar na nga tayo eh!" sabi ko sa kanya, habang patingin tingin ako sa daan.

"Sorry na talaga, gusto mo ikaw na lang magturo sa akin mag drive?"
Sabi nya sa akin habang hinawakan nya ako sa kamay.
"Wag mo akong hawakan sa kamay, tandaan mo steering wheel ang hawak ng kamay ko"
biro ko sa kanya.

"ano ba itong nararamdaman kong ito?" Tanong ko sa aking sarili.

....

Hindi ko alam ang pakiramdam, mahal  ko na ba si Rick? eh Paano ang Friendship namin? magiging matatag ba ang pagsasamahan namin?

**To Be Continued**
Note: I'm Open for Comments and Reactions.
Want to publish your story?
Just write on the comment box with your Facebook Account.